Pigilan ang pagtawag o pagtanggap ng mga tawag
Minsan maaaring gusto mong limitahan ang mga tawag na maaaring gawin o
tanggapin sa iyong telepono. Maaari mong, bilang halimbawa, limitahan ang lahat ng
papalabas na internasyonal na tawag o mga papasok na tawag kapag nasa ibang bansa
ka. Ang Paghadlang ng tawag ay isang serbisyo ng network.
Piliin ang >
Mga setting
at
Pagtawag
>
Paghadlang ng tawag
.
Upang baguhin ang mga setting, kailangan mo ng password sa paghadlang mula sa
iyong service provider.
Pigilan ang mga pagtawag
1 Kung naka-install ang serbisyo ng internet na tawag, piliin ang
Paghadlang ng
mobile na tawag
.
2 Upang mapigilan ang anumang mga pagtawag o mga internasyonal na tawag, piliin
ang
Mga papalabas na tawag
o
Mga internasyonal na tawag
. Upang mapigilan
46 Telepono
ang mga internasyonal na pagtawag, ngunit pahintulutan ang mga tawag sa sarili
mong bansa, piliin ang
Internasyonal na tawag liban sa sariling bansa
.
3 Piliin ang
Aktibahin
. Naaapektuhan ng paghahadlang sa tawag ang lahat ng
tawag, kabilang ang mga data call.
Pigilan ang pagtanggap ng mga tawag
1 Kung naka-install ang serbisyo ng internet na tawag, piliin ang
Paghadlang ng
mobile na tawag
.
2 Upang mapigilan ang pagtanggap ng anumang mga tawag o mga internasyonal na
tawag kapag nasa ibang bansa ka, piliin ang
Mga papasok na tawag
o
Mga
papasok na tawag kapag roaming
.
3 Piliin ang
Aktibahin
.
Pigilan ang mga hindi kilalang internet na tawag
Piliin ang
Paghadlang sa internet na tawag
>
Pghadlang sa di kilala tawag
>
On
.
Ang paghadlang sa tawag at paglihis ng tawag ay hindi maaaring aktibo nang sabay.