
Tungkol sa mga internet na tawag
Maaari kang tumawag at tumanggap ng mga tawag sa internet. Maaaring suportahan
ng mga serbisyo ng internet na tawag sa pagitan ng mga computer, sa pagitan ng mga
teleponong mobile, at pagitan ng aparatong VoIP at isang tradisyunal na telepono.
Isang serbisyo ng network ang internet na tawag.
Pinapahintulutan ng ilang mga service provider ng internet na tawag ang mga libreng
internet na tawag. Para sa pagkakaroon at mga bayad sa pagkakakonekta, kontakin
ang iyong service provider ng internet na tawag.
Upang tumawag o tumanggap ng internet na tawag, dapat na nasa lugar ka ng serbisyo
ng WLAN o mayroong koneksyong packet data (GPRS) sa isang network na 3G, at naka-
sign in sa isang serbisyo ng internet na tawag.