Gamitin ang iyong boses upang tawagan ang isang contact
Maaari mong gamitin ang iyong boses upang tumawag o kontrolin ang iyong telepono.
Hindi dumidepende ang mga voice command sa boses ng speaker. Awtmatikong
nililikha ng iyong telepono ang mga utos.
Kapag nagdadagdag ng mga contact o nag-e-edit ng mga utos na boses, huwag
gumamit ng napaka-ikli o magkaparehong mga pangalan para sa magkakaibang mga
contact o utos.
Paalala: Ang paggamit sa mga voice tag ay maaaring mahirap sa isang maingay na
kapaligiran o habang nasa isang emergency, kaya hindi ka dapat umasa lamang sa
pagdayal na boses sa lahat ng mga pagkakataon.
42 Telepono
Kapag ginamit mo ang voice dialling, ginagamit ang loudspeaker. Hawakan ang
telepono nang malayo nang kaunti kapag sinabi mo ang utos na boses.
1 Sa home screen, pindutin at diinan ang call key. Kung nakakabit ang headset key
ng isang kabagay na headset, pindutin at diinan ang headset.
2 Tutunog ang maikling tone, at ang
Magsalita
ay ipapakita. Sabihin nang malinaw
ang pangalan na nai-save para sa contact.
3 Nagpi-play ang telepono ng ipinagsanib na boses na utos para sa nakilalang contact
sa napiling wika ng telepono, at idini-display ang pangalan at numero. Upang
kanselahin ang voice dialling, piliin ang
Itigil
.
Makinig sa isang voice command para sa isang contact
1 Pumili ng contact at
>
Mga detalye ng voice tag
.
2 Pumili ng detakye ng contact.
Kung maraming numero ang naka-save para sa isang pangalan, maaari mo rin sabihin
ang pangalan at uri ng numero, tulad ng mobile o telepono.