Tungkol sa mga update ng software at application ng telepono
Sa pamamagitan ng mga update ng software at update ng application ng telepono,
makakakuha ka ng mga bagong tampok at pinabuting function para sa iyong telepono.
Maaari rin mapabuti ng pag-update sa software ang paggana ng iyong telepono.
Pangangasiwa ng telepono 121
Inirerekumenda na i-backup mo ang iyong personal na data bago i-update ang software
ng iyong telepono.
Babala:
Kung mag-i-install ka ng update sa software, hindi mo magagamit ang aparato, kahit
na gumawa ng mga tawag na pang-emergency, hanggang sa makumpleto ang pag-
install at mai-restart ang aparato.
Ang paggamit sa mga serbisyo o pag-download ng nilalaman ay maaaring magsanhi
sa paglilipat ng malalaking data, na maaaring magresulta sa mga bayad sa trapiko ng
data.
Bago simulan ang update, magkabit ng charger o siguraduhin na may sapat na power
ang baterya ng aparato.
Pagkatapos ng update, maaaring hindi na up to date ang mga pagtuturo sa patnubay
sa gumagamit.