Mag-alis ng application sa iyong telepono
Maaari kang mag-alis ng mga application na naka-install na ayaw mo nang itago o
gamitin, upang madagdagan ang laki ng magagamit na memory.
Piliin ang >
Mga setting
at
Mga pag-i-install
.
1 Piliin ang
Naka-install na
.
2 Piliin at diinan ang aalisin na application, at mula sa pop-up na menu, piliin ang
I-
uninstall
.
126 Pangangasiwa ng telepono
Kung mag-aalis ka ng application, maaari mo lamang i-reinstall ito kung nasa sa iyo
ang orihinal na file na pang-install o isang buong backup ng inalis na application. Hindi
mo mabubuksan ang mga file na ginawa sa inalis na application.
Kung dumidepende ang isang naka-install na application sa isang inalis na application,
maaaring tumigil sa paggana ang naka-install na application. Para sa mga detalye,
tingnan ang dokumentasyon ng gumagamit ng application na naka-install.
Maaaring gumamit ng malalaking memory ang mga file na pang-install at mapigilan ka
sa pag-iimbak ng ibang mga file. Gamitin ang Nokia Nseries PC Suite upang i-back up
ang iyong mga file na pang-install sa isang kabagay na computer, pagkatapos ay
gamitin ang file manager upang alisin ang mga file sa memory ng iyong tlelepono.