Tungkol sa Tindahan ng Nokia
Piliin ang >
Tindahan
, at mag-sign in sa iyong Nokia account.
Alam mo ba na maaari mong isapersonal ang iyong telepono na may maraming
application? O mag-download ng mga laro, na wala rin bayad? I-browse ang Tindahan
ng Nokia upang hanapin ang pinakabagong nilalaman na idinisenyo partikular sa iyong
telepono.
36 Pagsasapersonal at Tindahan ng Nokia
Maaari kang mag-download ng:
•
Mga laro
•
mga application
•
Mga video
•
Mga tema at wallpaper
•
Mga ringtone
Maaari ka rin:
•
Makakuha ng nilalaman na kaugnay sa iyong mga panlasa at lokasyon
•
Magbahagi ng mga rekumendasyon sa iyong mga kaibigan
Upang mag-download sa Tindahan ng Nokia, kailangan mo ng Nokia account.
Kapag nag-sign in ka, aalukin ka ng nilalaman na kabagay sa iyong telepono.
Maaari kang maghanap at mag-download ng nilalaman nang direkta sa iyong telepono,
o i-browse ang Tindahan ng Nokia sa iyong kabagay na computer at magpadala ng mga
link sa nilalaman sa iyong telepono bilang isang text message.
Walang bayad ang ilang item; ang iba ay kailangan mong magbayad sa pamamagitan
ng iyong credit card o sa iyong bill ng telepono. Dumidepende ang pagkakaroon ng mga
pamamaraan ng pagbabayad sa iyong bansang tinitirhan at network ng iyong service
provider.
Upang malaman ang higit pa tungkol sa Tindahan ng Nokia, pumunta sa
www.nokia.com/support.