Mag-download ng laro, application, o ibang item
Mag-download ng mga libreng laro, app, o mga video, o bumili ng mas maraming
nilalaman para sa iyong telepono. Mula sa Tindahan ng Nokia, makahahanap ka ng
nilalaman na idinisenyo partikular sa iyong telepono.
Dumidepende ang pagkakaroon ng mga pamamaraan ng pagbabayad sa iyong bansang
tinitirhan at network ng iyong service provider.
Piliin ang >
Tindahan
, at mag-sign in sa iyong Nokia account.
1 Piliin ang item.
2 Kung may presyo ang item, piliin ang
Buy
. Kung libre ang item, piliin ang
Download
.
3 Maaari kang magbayad gamit ang isang credit o debit cad, o, kung magagamit, sa
bill ng iyong telepono.
Upang i-save ang impormasyon ng iyong card sa iyong Nokia account, piliin ang
I-
save ang card na ito sa aking Nokia account:
.
Kung naka-save na ang impormasyon ng iyong card, upang gumamit ng ibang
pamamaraan ng pagbabayad, piliin ang
Baguhin ang mga detalye sa
paniningil
.
4 Upang kumuha ng resibo ng iyong nabili, pumili o magpasok ng mail address.
5 Piliin ang
Confirm
.
6 Kapag natapos na ang download, maaari mong buksan o tingnan ang item, o ituloy
ang pag-browse sa mas maraming nilalaman. Tinutukoy ang uri ng nilalaman kung
saan nakaimbak ang item sa iyong telepono. Upang palitan ang default na lokasyon,
piliin ang
Account
>
Installation preferences
at ang ninanais na memory.
Payo: Gumamit ng koneksyong WLAN upang mag-download ng mas malalaking file,
tulad ng mga laro, application, o mga video.
Payo: Upang maiwasan ang pagpasok sa mga detalye ng iyong pagbabayad sa card
nang paulit-ulit kapag bumibili ng mga item sa Tindahan ng Nokia, i-save ang iyong
mga detalye sa iyong Nokia account. Maaari kang magdagdag ng higit sa isang card sa
pagbabayad, at mamili kung alin ang gagamitin kapag bumibili.
Para sa higit na impormasyon sa isang item, kontakin ang publisher ng item.