Nokia 600 - Gamitin ang iyong telepono nang offline

background image

Gamitin ang iyong telepono nang offline

Sa mga lugar kung saan hindi mo gustong tumawag o tumanggap ng mga tawag,

maaari ka pa rin makapag-access ng iyong kalendaryo, listahan ng mga contact, at mga

offline na laro kung aaktibahin mo ang profile na offline. I-off ang telepono kapag ang

paggamit ng teleponong mobile ay hindi pinahihintulutan o kapag maaaring maging

sanhi ito ng pagkagambala o panganib.
Pindutin ang power key , at piliin ang

Offline

.

Kapag inaktiba ang profile na offline, isinasara ang iyong koneksyon sa cellular network.

Pinipigilan ang lahat ng signal ng radio frequency sa pagitan ng telepono at ng cellular

network. Kung susubukan mong magpadala ng mensahe, inilalagay ito sa folder ng

Outbox, at ipinapadala lamang kapag inaktiba ang isa pang profile.
Maaari mo rin gamitin ang iyong telepono nang walang SIM card. I-off ang telepono, at

alisin ang SIM card. Kapag muli kang nag-on, inaaktiba ang profile na offline.

Mahalaga: Sa profile na offline hindi ka makagagawa o makatatanggap ng

anumang mga tawag, o gumamit ng iba pang mga tampok na nangangailangan ng

nasasakupan ng cellular network. Maaaring matawagan mo ang opisyal na numerong

pang-emergency na naka-program sa iyong aparato. Upang makagawa ng mga tawag,

dapat ka munang magpalit sa isa pang profile.
Kapag inaktiba ang profile na offline, maaari ka pa ring kumunekta sa WLAN para, bilang

halimbawa, upang basahin ang iyong mail o i-browse ang internet. Maaari mo rin

gamitin ang Bluetooth.
Kung inaktiba ang NFC, inaaktiba rin ito sa profile na offline. Upang deaktibahin ang

NFC, piliin ang >

Mga setting

at

Pagkakakonekta

>

NFC

>

NFC

>

Naka-off

.

Tandaang sumunod sa anumang nalalapat na mga kinakailangang pangkaligtasan.