Baguhin ang mode ng USB
Para sa mga pinakamainam na resulta kapag kumokopya ng nilalaman o nagsi-
synchronize ng iyong telepono sa iyong comptuer, aktibahin ang naaangkop na mode
ng USB kapag gumagamit ng USB data cable upang kumonekta sa iba-ibang mga
aparato.
1 Gumamit ng kabagay na USB cable upang ikunekta ang iyong telepono sa iyong
computer.
2 Sa iyong telepono, mag-swipe pababa mula sa bahagi ng abiso.
3 Piliin ang
USB
, at mula sa mga sumusunod:
Nokia Ovi Suite — Ikonekta ang iyong telepono sa isang kabagay na computer na
may naka-install na Nokia Ovi Suite. Sa mode na ito, maaari mong pagsabayin ang iyong
telepono gamit ang Nokia Ovi Suite at gamitin ang ibang tampok ng Nokia Ovi Suite.
Awtomatikong inaaktiba ang mode na ito kapag binuksan mo ang application ng Nokia
Ovi Suite.
Panlahat imb. — Ikunekta ang iyong telepono sa isang kabagay na computer na
walang naka-install na Nokia Ovi Suite. Kinikilala ang iyong telepono bilang isang USB
120 Pagkakakonekta
flash memory. Maaari mo rin ikonekta ang iyong telepono sa ibang aparato, tulad ng
isang stereo sa bahay o sasakyan, kung saan maaari kang magkabit ng USB drive.
Habang nakakonekta sa isang computer sa mode na ito, maaaring hindi mo magamit
ang ilan sa mga application ng telepono.
Hindi maaaring ma-access ang memory card at mass memory sa iyong telepono ng
ibang aparato.
Lipat ng media — Ikunekta ang iyong telepono sa isang kabagay na computer na
walang naka-install na Nokia Ovi Suite. Dapat na mailipat ang musika na protektado ng
digital rights management (DRM) sa mode na ito. Maaari rin gamitin sa mode na ito ang
ilang mga home entertainment system at printer.
Gmit. tel. na modem — Ikonekta ang iyong telepono sa isang kabagay na
computer, at gamitin ang telepono bilang isang wireless modem. Awtomatikong
kumukonekta ang computer sa internet.