Tungkol sa NFC
Ginagawang madali at masaya ang pagkunekta at pagbahagi ng Near Field
Communication (NFC). Wireless na ikinukunekta ang mga telepono at accessory ng
Nokia na sinusuportahan ang NFC kapag magkasama mong pinindot ang mga iyon.
Sa pamamagitan ng NFC, maaari kang:
•
Magbahagi ng iyong sariling nilalaman sa pagitan ng dalawang teleponong Nokia
na sinusuportahan ang NFC
•
Kumonekta sa mga kabagay na accessory ng Bluetooth na sinusuportahan ang NFC,
gaya ng headset
•
Pindutin ang mga tag upang makakuha ng maraming nilalaman para sa iyong
telepono o upang ma-access ang mga serbisyong online
•
Makipaglaro laban sa ibang may-ari ng mga teleponong Nokia na sinusuportahan
ang NFC
Nasa likuran ng iyong telepono ang bahagi ng NFC, sa ilalim ng kamera. Habang naka-
on ang screen, pumindot ng ibang telepono o mga accessory gamit ang bahagi ng NFC.
Pagkakakonekta 113
Kapag naka-on ang FM radio, hindi mo masisimulan ang pagpapares sa isa pang
aparato. Magkabit ng headset bago gamitin ang FM radio.
Para sa higit na impormasyon, panoorin ang mga tutoryal na video ng NFC sa iyong
telepono.
Payo: Mag-download ng maramng nilalaman na sinusuportahan ng NFC mula sa
Tindahan ng Nokia. Para sa higit na impormasyon, pumunta sa www.nokia.com/
support.