Tungkol sa pagkakakonektang Bluetooth
Piliin ang >
Mga setting
>
Pagkakakonekta
>
Bluetooth
>
On
.
Maaari kang kumunekta nang wireless sa ibang kabagay na aparato, tulad ng mga
telepono, computer, headset, at mga car kit.
Maaari mong gamitin ang kuneksyon upang magpadala ng mga item mula sa iyong
telepono, kumopya ng mga file mula sa iyong kabagay na PC, mag-print ng mga file sa
pamamagitan ng kabagay na printer.
Yayamang gumagamit ang mga aparato na mayroong wireless na teknolohiyang
Bluetooth ng radio waves, hindi nila kailangang direktang nakatapat. Gayon man, sila'y
dapat na nasa loob ng 10 metro (33 piye) ng bawat isa, bagaman maaaring sumailalim
ang koneksyon sa pagkagambala mula sa mga sagabal tulad ng mga pader o mula sa
ibang mga aparatong elektroniko.
Kapag naka-lock ang iyong telepono, tanging mga koneksyon sa mga awtorisadong
aparato ang posible.
Payo: Maaari mo rin pangasiwaan ang iyong mga kuneksyong Bluetooth sa menu ng
katayuan. Upang buksan ang menu ng katayuan, mag-swipe pababa mula sa bahagi ng
abiso, at piliin ang
Bluetooth
. Kung hindi idini-display ang Bluetooth, piliin ang .