Magpadala ng larawan o iba pang nilalaman sa isa pang aparato gamit ang
Bluetooth
Maaari kang gumamit ng Bluetooth upang magpadala ng mga larawan, video, business
card, entry sa kalendaryo, at ibang nilalaman sa mga kabagay na aparato ng iyong
kaibigan at sa iyong computer.
Maaari kang magkaroon ng mangilan-ngilang aktibong koneksyong Bluetooth nang
sabay-sabay. Bilang halimbawa, kung nakakonekta ka sa isang kabagay na headset,
maaari ka rin magpadala ng mga file sa isa pang kabagay na aparato nang magkasabay.
1 Piliin at diinan ang item, bilang halimbawa, isang larawan. Mula sa pop-up na menu,
piliin ang
Ipadala
>
Sa Bluetooth
.
2 Piliin ang aparato na kukonektahan. Kung hindi naka-display ang ninanais na
aparato, para hanapin ito, piliin ang
Iba pang gamit
. Kapag naghahanap, idini-
display ang mga aparatong Bluetooth na nasa loob ng nasasakupan.
3 Kung mangailangan ng passcode ang kabilang aparato, ipasok ang passcode. Ang
passcode, na maaaring ikaw mismo ang tumukoy, ay dapat na maipasok sa
parehong aparato. Naka-fix ang passcode sa ilang mga aparato. Para sa mga
detalye, tingnan ang patnubay sa gumagamit ng kabilang aparato.
Valid lamang ang passcode para sa kasalukuyang koneksyon.