Protektadong nilalaman
May kasamang kaugnay na lisensya na tumutukoy sa mga karapatan mo na gamitin ang
nilalaman ang nilalamang protektado ng digital rights management (DRM), tulad ng
mga larawan, video, o musika. Hindi maaaring gamitin ang mga kantang protektado
ng DRM, bilang halimbawa, bilang mga ringtone o isang tono ng alarma.
Maaari mong tingnan ang mga detalye at katayuan ng mga lisensya, at muling aktibahin
at alisin ang mga lisensya.
Pangasiwaan ang mga lisensya ng mga digital right
Piliin ang >
Mga setting
>
Telepono
>
Pangangasiwa ng tel.
>
Setting ng
seguridad
>
Protektado laman
.
Tungkol sa Digital Rights Management
Kapag ginagamit ang aparatong ito, sundin ang lahat ng mga batas at igalang ang mga
lokal na kaugalian, pagkapribado at mga lehitimong karapatan ng iba, kabilang ang
mga copyright. Maaaring pigilan ka ng proteksyon ng copyright sa pagkopya, pagbago,
o paglipat ng mga larawan, musika at iba pang nilalaman.
Maaaring gumamit ang mga may-ari ng nilalaman ng iba't ibang uri ng digital rights
management (DRM) upang protektahan ang kanilang intelektuwal na ari-arian,
kabilang ang mga copyright. Gumagamit ang aparatong ito ng mga sari-saring uri ng
ng software ng DRM upang ma-access ang nilalamang protektado-ng-DRM. Sa
pamamagitan ng aparatong ito maaari mong i-access ang nilalamang protektado ng
WMDRM 10 at OMA DRM 2.0. Kung mabigo ang ilang software ng DRM na proteksyunan
70 Musika at audio
ang nilalaman, maaaring hilingin ng mga may-ari ng nilalaman na mabawi ang
naturang abilidad ng software ng DRM na mag-access ng bagong nilalamang
protektado-ng-DRM. Maaari rin mapigilan ng muling pagbawi ang renewal ng naturang
nilalaman na protektado-ng-DRM na nasa iyong aparato na. Hindi nakakaapekto ang
muling pagbawi ng naturang software ng DRM ang paggamit ng protektadong
nilalaman sa ibang mga uri ng DRM o sa paggamit ng nilalamang hindi-protektado-ng-
DRM.
Ang protektadong nilalaman ng digital rights management (DRM) ay may kasamang
isang kaugnay na lisensya na tumutukoy sa iyong mga karapatan na gamitin ang
nilalaman.
Kung may protektadong nilalaman na OMA DRM ang iyong aparato, upang i-back up ang
parehong mga lisensya at nilalaman, gamitin ang tampok ng backup ng Nokia Ovi Suite.
Maaaring hindi ilipat ng ibang mga pamamaraan sa paglilipat ang mga lisensya na
kinakailangang maibalik kasama ang nilalaman upang maipagpapatuloy mo ang
paggamit ng nilalamang protektado-ng- OMA DRM pagkatapos na ma-format ang
memory ng aparato. Maaaring kailanganin mo ring ibalik ang lisensya kung masira ang
mga file sa iyong aparato.
Kung mayroong protektadong nilalaman na WMDRM ang iyong aparato, parehong
mawawala ang mga lisensya at ang nilalaman kung ipo-format ang memory ng aparato.
Maaari mo rin mawala ang mga lisensya at ang nilalaman kung masira ang mga file sa
iyong aparato. Maaaring malimitahan ng pagkawala ng mga lisensya o ng nilalaman
ang iyong kakayanan na gamitin muli ang parehong nilalaman sa iyong aparato. Para
sa higit na impormasyon, tawagan ang iyong tagapaglaan ng serbisyo.
Maaaring konektado ang ilang mga lisensya sa isang partikular na SIM card, at maaaring
i-access lamang ang protektadong nilalaman kung nakapasok ang SIM card sa aparato.