Kumopya ng musika mula sa iyong PC
Mayroon ka bang musika sa iyong PC na gusto mong pakinggan sa iyong telepono? Ang
Nokia Ovi Suite ang pinakamabilis na paraan upang kopyahin ang musika sa iyong
aparato, at maaari mong gamitin ito upang pangasiwaan at i-synchronize ang
koleksyon ng iyong musika.
1 Gumamit ng kabagay na USB data cable upang ikonekta ang iyong telepono sa isang
kabagay na computer.
2 Sa iyong telepono, mag-swipe pababa mula sa bahagi ng abiso, at piliin ang
USB
>
Nokia Ovi Suite
.
3 Sa iyong computer, buksan ang Nokia Ovi Suite. Siguruhin na mayroon ka ng
pinakabagong bersyon ng Nokia Ovi Suite. Para sa higit na impormasyon, tingnan
ang tulong sa Nokia Ovi Suite.
I-download ang pinakabagong bersyon ng Nokia Ovi Suite mula sa www.nokia.com/
software.
Ang ilang mga file ng musika ay maaaring protektado ng digital righs management
(DRM) at hindi maaaring patugtugin sa higit sa isang telepono.