Magpatugtog ng kanta sa pamamagitan ng radyo
Gusto mo bang makinig sa musika sa mas malakas na volume, o sa mas mainam na
kalidad ng mga speaker na hi-fi stereo? Maaari kang magpatugtog ng musika sa
pamamagitan ng FM radio.
1 I-tune ang sumasagap na radyo sa isang libreng frequency.
2 Piliin ang >
Plyr. musika
.
3 Pumili ng kanta o isang playlist.
4 Piliin ang
>
Patugtugin sa Radyo
.
5 Ipasok ang frequency kung saan mo nai-tune ang sumasagap na radyo. Bilang
halimbawa, kung libre ang frequency na 107.8 MHz sa iyong lugar at itu-tune mo
ang iyong FM radio sa frequency na iyon, i-tune rin ang FM transmitter sa 107.8 MHz.
Upang ayusin ang volume, gamitin ang function ng volume na nasa sumasagap na
radyo. Siguruhing hindi naka-mute ang volume ng iyong telepono.
Payo: Upang madaling aktibahin o deaktibahin ang FM transmitter, idagdag ang widget
na Patugtugin sa Radyo sa iyong homescreen.
Ipinagkakaloob ang application na ito para sa personal na paggamit ng legal na
nakuhang nilalaman lamang.