Tungkol sa FM radio
Piliin ang >
Radyo sa FM
.
Maaari kang makinig sa mga istasyon ng FM radio gamit ang iyong telepono. Mayroong
kasamang FM antenna ang iyong telepono, kaya hindi mo kailangang gumamit ng
headset bilang isang antenna. Pumili lamang ng istasyon.
Maaari kang makinig sa radyo kahit na nakaaktiba ang mode na offline sa iyong
telepono at wala kang nasasakupang cellular network. Dumidepende ang kalidad ng
broadcast ng radyo sa nasasaklawang signal ng FM radio at ng iyong lokasyon.
Musika at audio 71
Maaari kang tumawag o sumagot ng tawag habang nakikinig sa radyo. Awtomatikong
minu-mute ang radyo sa panahon ng isang aktibong tawag.
Payo: Dahil may kasamang FM antenna ang iyong telepono, maaari ka rin gumamit ng
headset na Bluetooth upang makinig sa radyo.