Kopyahin ang iyong mga video sa pagitan ng iyong telepono at ng computer
Nakapagrekord ka na ba ng mga video gamit ang iyong telepono na gusto mong
panoorin sa iyong computer? O gusto mong kopyahin ang iyong mga video mula sa
iyong telepono papunta sa iyong computer? Gumamit ng kabagay na USB data cable
upang kopyahin ang iyong mga video sa pagitan ng iyong telepono at isang computer.
1 Gumamit ng kabagay na USB data cable upang ikonekta ang iyong telepono sa isang
computer.
Kung kumokopya sa pagitan ng memory card sa iyong telepono at ng computer,
siguruhing nakalagay ang memory card.
2 Magbukas ng Nokia Ovi Suite sa iyong computer, at sundin ang mga idini-display
na pagtuturo.