Manood sa Web TV
Maaari kang makasabay sa mga balita at makahabol sa mga pinakabagong yugto
ng iyong mga paboritong serye sa TV.
Piliin ang >
Mga video
at isang serbisyo.
Upang mag-stream ng nilalaman sa ere, kailanan mong gumamit ng kuneksyong 3G,
3.5G, o WLAN. Maaaring may kasama ang paggamit ng mga serbisyo ng Web TV ng
pagpapadala ng malalaking data. Para sa impormasyon tungkol sa mga singil sa
paghahatid ng data, makipag-ugnayan sa service provider ng iyong network.
Mga video at TV 85
Dumidepende sa bansa at service provider ng network ang pagpili sa mga serbisyo ng
paunang-naka-install na Web TV. Nag-iiba-iba ang nilalaman ng mga serbisyo ng Web
TV.
1 Upang i-browse ang nilalaman ng Web TV, i-swipe ang screen.
2 Upang simulan ang pag-playback, piliin ang thumbnail na imahe.
3 Upang ipakita o itagao ang mga kontrol habang nagpe-playback, i-tap ang screen.
4 Upang baguhin ang volume, gamitin ang mga volume key.
Magdagdag ng widget ng Web TV sa iyong home screen
I-tap at diinan ang isang bakanteng bahagi ng home screen, at piliin ang
Dagdag ng
widget
at ang ninanais na serbisyo ng Web TV.
Maghanap ng marami pang serbisyo ng Web TV
Upang mag-download ng mga serbisyo ng Web TV mula sa Tindahan ng Nokia, piliin
ang
Kumuha pa
. Isini-save ang mga nai-download na serbisyo sa folder ng Mga
application, ngunit maaari mong ilipat ang mga iyon sa isa pang folder, tulad ng
dedikadong folder ng Web TV.
Upang malaman pa ang tungkol sa Tindahan ng Nokia, pumunta sa www.nokia.com.