Tungkol sa Panlipunan
Piliin ang >
Panlipunan
, at mag-sign in sa mga serbisyo ng panlipunang
networking na ginagamit mo.
Upang pabutihin ang iyong karansan sa panlipunang networking, gamitin ang
application na Panlipunan. Kapag naka-sign in sa mga serbisyo ng panlipunang
networking sa pamamagitan ng application na Panlipunan, maaari mong gawin ang
sumusunod:
•
Tingnan ang mga update ng katayuan ng iyong mga kaibigan mula sa maraming
serbisyo sa issang view
•
I-post ang sarili mong update ng katayuan sa maraming serbisyo nang sabay-sabay
•
Kagyat na magbahagi ng mga larawang kinuha mo gamit ang kamera
•
I-share ang mga video na nairekord mo gamit ang iyong telepono
•
I-link ang mga profile ng iyong mga naka-online na kaibigan sa kani-kanilang
impormasyon ng contact sa iyong aparato.
•
Idagdag ang iyong impormasyon ng lokasyon sa update ng iyong katayuan.
•
Magdagdag ng mga kaganapan mula sa serbisyong kalendaryo papunta sa
kalendaryo ng iyong telepono
Tanging mga tampok na iyon na sinusuportahan ng panlipunang serbisyong
networking ang magagamit.
Kinakailangan ng suporta ng network ang paggamit sa mga serbisyo ng panlipunang
networking. Maaaring may kasama itong pagpapadala ng malalaking data at mga
62 Mga panlipunang network
kaugnay na bayad sa trapiko ng data. Para sa impormasyon tungkol sa mga singil sa
pagpapadala ng data, makipag-ugnayan sa iyong service provider.
Mga serbisyo ng ikatlong partido ang mga serbisyong panlipunang networking at hindi
ipinagkakaloob ng Nokia. Suriin ang mga setting ng pagkapribado ng mga serbisyong
panlipunang networking na ginagamit mo dahil maaaring kang magbahagi ng
impormasyon sa isang malawak na grupo ng mga tao. Lalapat ang mga takda sa
paggamit ng serbisyong panlipunang networking sa pagbabahagi ng impormasyon sa
serbisyong iyon. Sanayin ang iyong sarili sa mga takda ng paggamit at sa mga
kasanayan ng pagkaprido ng serbisyong iyon.