Tungkol sa mga pamamaraan sa pagpoposisyon
Idini-display ng Mga mapa ang iyong lokasyon sa mapa gamit ang GPS, A-GPS, WLAN, o
pagpoposisyong nakabatay sa network (cell ID).
Ang global positioning system (GPS) ay isang sistema ng pagna-navigate na nakabatay
sa satellite na ginagamit sa pagkalkula ng iyong lokasyon. Ang assisted GPS (A-GPS) ay
90 Mga mapa at lokasyon
isang serbisyo ng network na tumutulong sa receiver ng iyong GPS, na pinabubuti ang
bilis at katumpakan ng pagpoposisyon. Bilang karagdagan, maaaring gamitin ang
ibang pagpapabuti sa GPS upang mapaganda at mapabilis ang pagpoposisyon.
Maaaring mangailangan ang mga ito ng paglilipat ng kaunting data sa cellular network.
Pinabubuti ng pagpoposisyong WLAN ang katumpakan ng posisyon kapag hindi
magagamit ang mga signal ng GPS, lalo na kapag nasa loob ka o sa pagitan ng matataas
na gusali.
Sa nakabatay sa network (cell ID) na pagpoposisyon, inaalam ang posisyon sa
pamamagitan ng sistemang cellular na kasalukuyang nakakunekta ang iyong telepono.
Upang makatipid sa mga bayad sa data, maaari mong deaktibahin ang A-GPS, WLAN, at
nakabatay sa network (cell ID) na pagpoposisyon sa mga setting ng pagpoposisyon ng
iyong telepono, ngunit maaaring mas lalong tumagal ang pagkakalkula ng iyong
lokasyon, maaaring maging mas hindi tumpak ang lokasyon, at maaaring mas madalas
makawala ng lokasyon ang receiver ng GPS.
Maaaring maapektuhan ang kakayahang magamit at kalidad ng mga signal ng GPS ng
iyong lokasyon, mga posisyon ng satellite, gusali, likas na hadlang, kalagayan ng
panahon, at ng mga pagsasa-ayos sa mga GPS satellite na ginawa ng pamahalaan ng
Estados Unidos. Maaaring hindi magamit ang mga signal ng GPS sa loob ng mga gusali
o underground.
Huwag gamitin ang GPS para sa eksaktong sukat ng lokasyon, at huwag kailanman
umasa lamang sa impormasyon ng lokasyon na ibinibigay ng GPS at ng mga cellular
network.
Maaaring hindi tumpak ang metro ng biyahe, depende sa kakayahang magamit at
kalidad ng iyong koneksyong GPS.
Paalala: Maaaring malimitahan ang paggamit ng WLAN sa ilang mga bansa. Bilang
halimbawa, sa France, pinapahintulutan ka lamang gamitin ang WLAN sa loob ng mga
gusali. Para sa higit na impormasyon, makipag-ugnayan sa iyong mga lokal na
awtoridad.
Depende sa magagamit na mga pamamaraan sa pagpoposisyon, maaaring mag-iba ang
katumpakan ng pagpoposisyon mula sa ilang metro hanggang sa mangilan-ngilang
kilometriko.