Tingnan ang iyong lokasyon at ang mapa
Tingnan ang iyong kasalukuyang lokasyon sa mapa, at i-browse ang mga mapa ng iba't
ibang mga lungsod at bansa.
Piliin ang >
Mga Mapa
at
Mapa
.
Ipinapahiwatig ng ang iyong kasalukuyang posisyon, kung nakalaan. Kapag
naghahanap ng iyong posisyon, kukurap ang . Kung hindi mahanap ang iyong
posisyon, ipinapahiwatig ng ang iyong huling alam na posisyon.
Kung hindi magagamit ang tumpak na pagpoposisyon, ipinapahiwatig ng pulang halo
sa palibot ng icon ng pagpoposisyon ang pangkalahatang lugar na maaaring naroon
ka. Sa mga lugar na maraming naninirahan, tumataas ang katumpakan ng pagtatantya,
at mas maliit ang pulang halo sa mga lugar na kakaunti ang naninirahan.
I-browse ang mapa
I-drag ang mapa sa pamamagitan ng iyong daliri. Ayon sa default, nakatapat pagawing
hilaga ang mapa.
Tingnan ang iyong kasalukuyan o huling alam na lokasyon
Piliin ang .
Kung maghahanap ka o magba-browse sa isang lokasyon, at titingnan ang mga detalye
tungkol sa lokasyon gamit ang isang serbisyo, tulad ng Panahon, idini-display ang
impormasyon para sa lokasyon na kasalukuyan mong tinitingnan. Upang bumalik sa
pagtingin sa iyong kasalukuyan lokasyon, o upang tingnan ang impormasyon para sa
iyong kasalukuyang lokasyon, piliin ang .
Mag-zoom in o out
Piliin ang + o -.
Mga mapa at lokasyon 87
Payo: Upang mag-zoom, maaari ka rin maglagay ng dalawang daliri sa ibabaw ng
mapa, at magkalayong i-slide ang iyong mga daliri upang mag-zoom in o pagdikitin
upang mag-zoom out. Hindi sinusuportahan ng lahat ng telepono ang tampok na ito.
Kung magba-browse ka sa isang lugar na hindi nasasaklawan ng mga mapa ng kalye
na naka-imbak sa iyong telepono, at mayroon kang aktibong kuneksyon ng data,
awtomatikong idina-download ang mga bagong mapa ng kalye.
Iwasan ang awtomatikong pag-download ng mga bagong mapa ng kalye
Sa main menu, piliin ang >
Internet
>
Koneksiyon
>
Offline
.
Idina-download din ang mga bagong mapa ng kalye kung mag-a-upgrade ka sa
pinakabagong bersyon ng application ng Mga mapa. Kapag gagamitin mo ang Mga
mapa sa unang pagkakataon pagkatapos ng upgrade, piliin ang
Gamitin Mga mapa
ng Ovi nang online
. Kailangan mo ng aktibong kuneksyon ng data.
Nag-iiba-iba ang sakop ng mapa ayon sa bansa at rehiyon.