Overview ng Mga mapa
Piliin ang >
Mga Mapa
.
Welcome sa Mga mapa.
Ipapakita sa iyo ng Mga mapa kung ano ang malapit, tutulungan kang magplano ng
iyong ruta, at gagabayan ka kung saan mo gustong pumunta.
•
Maghanap ng mga lungsod, kalye, at mga serbisyo.
•
Hanapin ang iyong daan sa pamamagitan ng mga direksyon sa bawat pagliko.
•
Pagsabayin ang mga paborito mong lokasyon at ruta sa pagitan ng iyong telepono
at ng serbisyo sa web ng Mga mapa ng Nokia.
•
Alamin ang mga taya ng panahon at iba pang lokal na impormasyon, kung
magagamit.
Maaaring hindi magamit ang ilang mga serbisyo sa lahat ng bansa, at maaari lamang
mailaan sa mga piling wika. Maaaring nakadepende sa network ang mga serbisyo. Para
sa higit na impormasyon, makipag-ugnayan sa service provider ng iyong network.
86 Mga mapa at lokasyon
Ang paggamit sa mga serbisyo o pag-download ng nilalaman ay maaaring magsanhi
sa paglilipat ng malalaking data, na maaaring magresulta sa mga bayad sa trapiko ng
data.
Maaaring minsan ay hindi tumpak at hindi kumpleto ang mga nilalaman ng mga
mapang digital. Huwag kailanman umasa lamang sa nilalaman o sa serbisyo para sa
mahahalagang komunikasyon, tulad ng sa mga emergency.
Ang ilang nilalaman ay nilikha ng mga ikatlong partido at hindi ng Nokia. Maaaring
hindi tumpak ang nilalaman at sasailalim sa pagkakaroon.