Kumuha ng impormasyon sa trapiko at kaligtasan
Pabutihin ang iyong karanasan sa pagmamaneho gamit ang aktuwal-na-oras na
impormasyon tungkol sa mga kaganapan sa trapiko, tulong sa dadaanan, at mga babala
sa limit ng bilis, kung nakalaan para sa iyong bansa o rehiyon.
Piliin ang >
Mga Mapa
at
Maneho
.
Tingnan ang mga kaganapan ng trapiko sa mapa
Habang nagna-navigate sa pagmamaneho, piliin ang
Opsyon
>
Info trapiko
. Idini-
display ang mga kaganapan bilang mga tatsulok at linya.
I-update ang impormasyon sa trapiko
Piliin ang
Opsyon
>
Info trapiko
>
I-update info sa trapiko
.
Kapag nagpaplano ng ruta, maaari mong itakda ang telepono na iwasan ang mga
kaganapan sa trapiko, tulad ng mga buhul-buhol na trapiko o mga ginagawang kalsada.
Iwasan ang mga kaganapan sa trapiko
Sa main view, piliin ang >
Nabigasyon
>
Palit-ruta dahil trapik
.
Maaaring ipakita ang lokasyon ng mga kamera para sa bilis sa iyong ruta sa panahon
ng pagna-navigate, kung pinagana ang tampok na ito. Ipinagbabawal o kinokontrol ng
ilang mga nasasakupan ang paggamit ng data ng lokasyon ng kamera para sa bilis.
Hindi responsable ang Nokia para sa katumpakan, o sa mga kahihinatnan sa paggamit
ng data ng lokasyon ng kamera para sa bilis.