Tungkol sa Exchange ActiveSync
Piliin ang >
at
Bagong mailbox
>
Exchange ActiveSync
.
Gusto mo bang madaling makuha ang iyong mail sa trabaho, mga contact, at
kalendaryo, kahit na nakaupo ka sa tabi ng iyong computer o habang naglalakbay gamit
ang iyong telepono? Maaari mong pagsabayin ang mahalagang nilalaman sa pagitan
ng iyong telepono at ng server ng Mail for Exchange.
Maaari lamang i-set up ang Mail for Exchange kung mayroong server ng Microsoft
Exchange ang iyong kumpanya. Bilang karagdagan, maaaring naaktiba na ng IT
administrator ng iyong kumpanya ang Microsoft Exchange ActiveSync para sa iyong
account.
Nakakapag-ugnayan ang aparatong ito sa mga pinaganang server ng Microsoft
Exchange ActiveSync. Ang probisyon ng aparatong ito sa iyo ay hindi naggagawad sa
iyo, at hindi ka tatanggap, ng anumang mga karapatan batay sa anumang intelektuwal
na ari-arian ng Microsoft hinggil sa anumang software ng server, o aparatong server,
na ina-access gamit ang aparatong ito o hinggil sa paggamit sa Microsoft Exchange
ActiveSync bukod sa aparatong ito.
Bago simulang i-set up ang Mail for Exchange, siguruhin na mayroon ka ng sumusunod:
•
Isang mail address na corporate
•
Ang pangalan ng server ng iyong Exchange (kontakin ang IT department ng iyong
kumpanya)
•
Ang pangalan ng domain ng iyong network (kontakin ang IT department ng iyong
kumpanya)
•
Ang password ng network ng iyong opisina
Depende sa kumpigurasyon ng server ng Exchange, maaaring kailanganin mong
magpasok ng karagdagang impormasyon. Kung hindi mo alam ang tamang
impormasyon, kontakin ang IT department ng iyong kumpanya.
Sa Mail for Exchange, maaaring sapilitan ang paggamit ng lock code ng telepono.
Awtomatikong nagaganap ang pagsasabay sa mga pagitan na tinukoy noong isini-set
up ang account ng Mail for Exchange. Tanging ang nilalaman na tinukoy noong isine-
set up ang account ang pinagsasabay. Upang pagsabayin ang karagdagang nilalaman,
baguhin ang mga setting ng Mail for Exchange.