Magpasok ng memory card
Gumamit lamang ng kabagay na Mga MicroSD at MicroSDHC card na naaprobahan ng
Nokia para gamitin sa aparatong ito. Maaaring mapinsala ang card at ang aparato ng
mga hindi kabagay na card at masira ang data na nakaimbak sa card.
1 Upang alisin ang takip sa likod ng telepono, diinan ang takip sa likod sa
pamamagitan ng iyong mga daliri, i-slide pabukas ang takip, at angatin ang takip.
Magsimula
9
2 Siguruhin na nakaharap pababa ang bahagi ng pang-contact ng memory card.
Itulak papasok ang card, hanggang sa mag-lock ito sa lugar.
3 Ibalik ang takip sa likod.
Alisin ang memory card
1 Itulak papasok ang card, hanggang sa ma-release ito.
2 Hilahing palabas ang card.
10 Magsimula
Mahalaga: Huwag aalisin ang memory card kapag ginagamit ito ng application.
Maaaring masira ang memory card at ang aparato kapag ginawa iyon at masira ang
data na nakaimbak sa card.