Ilagay ang SIM card
1 I-off ang telepono.
2 Diinan ang takip sa likod gamit ang iyong mga daliri, i-slide pabukas ang takip, at
paangat na tanggalin ang takip.
3 Alisin ang baterya, kung nakalagay.
4 Gamitin ang kuko ng iyong daliri upang angatin ang takip ng lalagyan ng SIM card.
5 Siguruhin na nakaharap pababa ang bahaging pangkontak ng card, at ilagay ang
SIM card sa loob ng lalagyan ng SIM card. Ibaba ang takip ng lalagyan ng SIM card,
at diinan pababa ang takip, hanggang sa mag-lock ito sa puwesto.
8
Magsimula
6 Ilinya ang mga pangkontak ng baterya, ilagay ang baterya, at ibalik ang takip sa
likod.
Mahalaga: Huwag gumamit ng mini-UICC SIM card, kilala rin bilang isang micro-SIM
card, isang micro-SIM card na may adapter, o isang SIM card na may mini-UICC cutout
(tingnan ang hugis) sa aparatong ito. Mas maliit ang micro SIM card kaysa sa karaniwang
SIM card. Hindi sinusuportahan ng aparatong ito ang paggamit ng mga micro-SIM card
at paggamit ng mga kabagay na SIM card ay maaaring makasira sa card o sa aparato,
at maaaring masira ang data na nakaimbak sa card.
Alisin ang SIM card
1 I-off ang telepono.
2 Alisin ang takip sa likod.
3 Alisin ang baterya, kung nakalagay.
4 Gamitin ang kuko ng iyong daliri upang angatin ang takip ng lalagyan ng SIM card,
at alisin ang SIM card.