I-charge ang baterya sa USB
Mahina na ang baterya, ngunit wala kang dalang charger? Maaari kang gumamit ng
kabagay na USB cable upang ikunekta ang iyong telepono sa isang kabagay na aparato,
tulad ng isang computer.
Maaari mong gamitin ang pag-charge sa USB kapag walang magamit na saksakan sa
pader. Maaaring mailipat ang data habang tsina-charge ang aparato. Ang pagka-
episyente ng lakas ng pag-charge sa USB ay kapansin-pansing nag-iiba, at maaari itong
tumagal para magsimula ang pagtsa-charge at magsimulang gumana ang aparato.
Maaari mong gamitin ang iyong telepono habang nagtsa-charge ito.
Upang maiwasang masira ang kabitan ng charger, maging maingat kapag ikinakabit o
inaalis sa pagkakakabit ang cable ng charger.