Gamitin ang iyong telepono sa unang pagkakataon
Papatnubayan ka ng iyong telepono hanggang sa dulo ng inisyal na setup kapag
inilagay mo ang iyong SIM card at in-on ang iyong telepono sa unang pagkakataon.
Magsimula 15
Upang gamitin ang Mga serbisyo ng Nokia, lumikha ng Nokia account. Maaari mo rin
kopyahin ang iyong mga contact at ibang nilalaman mula sa iyong dating telepono.
Maaari ka rin mag-subscribe sa My Nokia serbisyo, upang makatanggap ng mga
nakatutulong na tip at trick sa kung papaanong sulitin ang iyong telepono.
Upang simulan ang isang aksyon, piliin ang . Upang laktawan ang isang aksyon, piliin
ang .
Upang lumikha ng Nokia account, kailangan mo ng kuneksyon sa internet. Para sa
impormasyon tungkol sa mga singil sa pagpapadala ng data, makipag-ugnayan sa iyong
service provider. Kung hindi ka makakunekta sa internet, maaaring saka ka na lumikha
ng account.
Kung may Nokia account ka na, ipasok ang iyong username at password, at piliin ang
.
Payo: Nakalimutan ang iyong password? Maaari mong hilingin ito na ipadala sa iyo sa
isang mail o text message.
Gamitin ang application ng Paglilipat sa tel. upang kopyahin ang iyong nilalaman, tulad
ng:
•
Mga contact
•
Mga mensahe
•
Mga larawan at video
•
Mga personal na setting
Kapag ise-set up mo ang iyong mail account, maaari mong itakda ang iyong inbox na
mai-display sa iyong home screen, upang madali mong matitingnan ang iyong mail.
Kung kailangan mong tumawag nang emergency habang nasa yugto ng pag-setup,
pindutin ang call key.