Gamitin ang virtual na keypad
Kung gugustuhin mong gamitin ang alphanumeric keypad kapag nagsusulat sa mode
na portrait, maaari kang lumipat mula sa virtual na keyboard papunta sa virtual na
keypad.
1 Pumili ng field sa pagpasok ng text.
2 Piliin ang >
Alphanumeric keypad
.
1 Mga number key
2 * - Nagpapasok ng espesyal na character, o kapag nakaaktiba ang mode ng
predictive na pagpasok ng text at may salungguhit ang salita, magpaikut-ikot sa
mga kandidatong salita.
3 Shift key - Pinapalitan ang laki ng character. Upang aktibahin o deaktibahin ang
mode na predictive na pagpasok ng text, mabilis na piliin nang dalawang beses ang
key. Upang lumipat sa pagitan ng mga mode ng titik at numero, piliin at diinan ang
key.
4 Close key - Isinasara ang virtual na keypad.
5 Mga arrow key - Nililipat ang cursor pakaliwa o pakanan.
6 Input menu - Inaaktiba ang predictive na pagpasok ng text, pinapalitan ang wikang
panulat, o lumilipat sa virtual na keyboard.
7 Backspace key - Nagtatanggal ng character.
Karaniwang ginagamit 25
8 Tagapaghiwatig ng pagpasok ng text (kung nakalaan) - Ipinapahiwatig ang laki ng
titik, at kung nakaaktiba ang mode ng numero o mode na predictive na pagpasok
ng text.