Gumamit ng mga shortcut
Hindi mo kailangang mag-navigate sa mahahabang path, bilang halimbawa, magbukas
o magsara ng kuneksyon sa internet, o upang patahimikin ang iyong telepono. Maaari
mong i-access ang mga setting na ito nang direkta sa menu ng katayuan, hindi
mahalaga kung nasaan ka mang application o view.
Mag-swipe pababa mula sa bahagi ng abiso.
Sa menu ng katayuan, maaari mong gawin ang sumusunod:
•
Tingnan ang mga abiso ng hindi nasagot na tawag o mga mensaheng hindi nabasa
•
Patahimikin ang iyong telepono
•
Baguhin ang mga setting ng pagkakakonekta
•
Tingnan ang mga magagamit na kuneksyong WLAN, at kumunekta sa isang WLAN
•
Pangasiwaan ang mga kuneksyong Bluetooth
22 Karaniwang ginagamit
Payo: Kapag nakikinig sa musika, mabilis mong maa-access ang player ng musika sa
bahagi ng katayuan.