Mga tip sa larawan at video
Pindutin at diinan ang key ng kamera.
Kapag kumukuha ng larawan:
•
Gamitin ang dalawang kamay upang panatilihing hindi malikot ang kamera.
•
Kapag nag-zoom in ka, maaaring bumaba ang grado ng kalidad ng imahe.
•
Inaaktiba ng kamera ang mode na pagtitipid ng baterya pagkatapos ng isang
minutong hindi ginagamit. Upang muling aktibahin ang kamera, pindutin nang
bahagya ang camera key.
•
Maaari kang maglakip ng larawan sa isang contact sa iyong listahan ng mga contact.
Pagkatapos kumuha ng larawan, piliin ang
>
Gamitin ang imahe
>
Italaga
sa contact
. Ilipat ang frame upang i-crop ang larawan, i-tap ang screen upang i-
display ang toolbar, piliin ang , at piliin ang contact.
74 Kamera
Panatilihin ang isang ligtas na distansya kapag ginagamit ang flash. Huwag gamitin
ang flash sa mga tao o hayop nang malapitan. Huwag takpan ang flash habang
kumukuha ng isang litrato.
Kapag nagrerord ng video:
•
Para sa pinakaminam na mga resulta, isara ang anumang mga nakabukas na
application bago magrekord.
•
Magrekord sa mass memory ng iyong telepono, kung posible.
•
Kung magrerekord ng mga video sa isang memory card, para sa pinakamainam na
paggana, gumamit ng kabagay, mabilis, high-quality na microSD card. Ang
inirerekumendang microSD card ay class 4 (32 Mbit/s (4 MB/s)) o mas mataas.
Bago sa unang paggamit, i-back up ang anumang mahalagang data na nasa card,
at gamitin ang telepono upang i-format ang card, kahit na dati nang nai-format
ang card o nagamit sa isang teleponon Nokia. Tinatanggal ng pag-format ang lahat
ng data na nasa card.
Kung bumaba ang kalidad ng paggana ng memory card sa kalaunan, i-back up ang
anumang mahalagang data na nasa card, at gamitin ang telepono upang i-format
ang card.