Tungkol sa Digital Rights Management
Kapag ginagamit ang aparatong ito, sundin ang lahat ng mga batas at igalang ang mga lokal na kaugalian, pagkapribado at
mga lehitimong karapatan ng iba, kabilang ang mga copyright. Maaaring pigilan ka ng proteksyon ng copyright sa pagkopya,
pagbago, o paglipat ng mga larawan, musika at iba pang nilalaman.
Maaaring gumamit ang mga may-ari ng nilalaman ng iba't ibang uri ng digital rights management (DRM) upang protektahan
ang kanilang intelektuwal na ari-arian, kabilang ang mga copyright. Gumagamit ang aparatong ito ng mga sari-saring uri ng
ng software ng DRM upang ma-access ang nilalamang protektado-ng-DRM. Sa pamamagitan ng aparatong ito maaari mong i-
access ang nilalamang protektado ng WMDRM 10 at OMA DRM 2.0. Kung mabigo ang ilang software ng DRM na proteksyunan
ang nilalaman, maaaring hilingin ng mga may-ari ng nilalaman na mabawi ang naturang abilidad ng software ng DRM na mag-
access ng bagong nilalamang protektado-ng-DRM. Maaari rin mapigilan ng muling pagbawi ang renewal ng naturang nilalaman
na protektado-ng-DRM na nasa iyong aparato na. Hindi nakakaapekto ang muling pagbawi ng naturang software ng DRM ang
paggamit ng protektadong nilalaman sa ibang mga uri ng DRM o sa paggamit ng nilalamang hindi-protektado-ng-DRM.
Ang protektadong nilalaman ng digital rights management (DRM) ay may kasamang isang kaugnay na lisensya na tumutukoy
sa iyong mga karapatan na gamitin ang nilalaman.
Kung may protektadong nilalaman na OMA DRM ang iyong aparato, upang i-back up ang parehong mga lisensya at nilalaman,
gamitin ang tampok ng backup ng Nokia Ovi Suite.
134 Impormasyon sa produkto at kaligtasan
Maaaring hindi ilipat ng ibang mga pamamaraan sa paglilipat ang mga lisensya na kinakailangang maibalik kasama ang
nilalaman upang maipagpapatuloy mo ang paggamit ng nilalamang protektado-ng- OMA DRM pagkatapos na ma-format ang
memory ng aparato. Maaaring kailanganin mo ring ibalik ang lisensya kung masira ang mga file sa iyong aparato.
Kung mayroong protektadong nilalaman na WMDRM ang iyong aparato, parehong mawawala ang mga lisensya at ang
nilalaman kung ipo-format ang memory ng aparato. Maaari mo rin mawala ang mga lisensya at ang nilalaman kung masira
ang mga file sa iyong aparato. Maaaring malimitahan ng pagkawala ng mga lisensya o ng nilalaman ang iyong kakayanan na
gamitin muli ang parehong nilalaman sa iyong aparato. Para sa higit na impormasyon, tawagan ang iyong tagapaglaan ng
serbisyo.
Maaaring konektado ang ilang mga lisensya sa isang partikular na SIM card, at maaaring i-access lamang ang protektadong
nilalaman kung nakapasok ang SIM card sa aparato.