Nokia 600 - Pangangalagaan ang iyong aparato

background image

Pangangalagaan ang iyong aparato
Pag-ingatan ang iyong aparato, baterya, charger at mga accessory. Tutulungan ka ng mga sumusunod na mungkahi na

protektahan ang iyong warranty coverage.

Panatilihing tuyo ang aparato. Maaaring naglalaman ng mga mineral na tumutunaw ng mga electronic circuit ang ulan,

kahalumigmigan, at lahat ng uri ng mga likido o pagkamamasa-masa. Kung mabasa ang iyong aparato, alisin ang baterya,

at hayaang matuyo ang aparato.

Huwag iimbak ang aparato sa malalamig na temperatura.

Huwag tatangkaing buksan ang aparato bukod sa itinagubilin sa patnubay sa gumagamit na ito.

Ang mga hindi-awtorisadong modipikasyon ay maaaring makasira sa aparato at labagin ang mga regulasyon na

namamahala sa mga aparatong de-radyo.

Huwag ibabagsak, pupukpukin o alugin ang aparato.

Gumamit lang ng malambot, malinis, tuyong basahan upang linisin ang pang-ibabaw ng aparato.

I-off ang aparato at alisin ang baterya paminsan-minsan para sa pinakamainam na pagganap.

Ilayo ang iyong aparato mula sa mga magnet o mga magnetic field.

Upang panatilihing ligtas ang iyong mahahalagang data, iimbak ito sa kahit dalawang magkahiwalay na lugar, tulad ng

iyong aparato, memory card, o computer, o isulat ang mahalagang impormasyon.

Sa panahon ng pinahabang pagpapagana, maaaring uminit ang aparato. Sa pangkalahatan, karaniwan ito. Kung nagsusupetsa

ka na hindi gumagana nang maayos ang aparato, dalhin ito sa pinakamalapit na awtorisadong pasilidad ng serbisyo.