Kaligtasan ng baterya
Laging isara ang aparato, at idiskonekta ang charger bago alisin ang baterya. Kapag binunot mo ang plug ng isang charger o
isang accessory, hawakan at hilahin ang plug, hindi ang kurdon.
Kapag hindi ginagamit ang iyong charger, bunutin ang plug nito mula sa sasaksakan ng kuryente at sa aparato. Huwag iiwan
ang isang lubos na nakargahang baterya na nakakabit sa isang charger, dahil ang sobrang pagkarga ay maaaring magpaikli
sa buhay ng baterya. Kung iiwang hindi ginagamit, ang bateryang lubos na kinargahan ay manghihina rin sa tagal ng panahon.
Laging panatilihin ang baterya sa pagitan ng 15°C at 25°C (59°F at 77°F). Ang labis na temperatura ay nakakabawas sa kapasidad
at buhay ng baterya. Ang isang aparato na may isang mainit o malamig na baterya ay maaaring hindi gumana pansamantala.
Maaaring mangyari ang aksidenteng short circuit kapag madikit ang metalikong bagay sa mga pirasong metal na nasa baterya,
bilang halimbawa, kung nagdadala ka ng reserbang baterya sa iyong bulsa. Ang pag-short circuit ay maaaring makapinsala sa
baterya o sa bagay na ikinakabit.
Huwag itatapon ang mga baterya sa apoy dahil maaaring sumabog ang mga ito. Itapon ang mga baterya alinsunod sa mga
lokal na regulasyon. Mag-recycle hangga't maari. Huwag itapon bilang basura sa bahay.
Huwag kalasin, gupitin, buksan, durugin, baliin, tusukin, o gayatin ang mga cell o baterya. Kung tumagas ang isang baterya,
huwag hayaang madikit ang likido ng baterya sa balat o mga mata. Kung mangyari ito, agad na hugasan ang mga apektadong
bahagi ng tubig, o humingi ng tulong medikal.
Huwag baguhin, imanupakturang muli, tangkaing magpasok ng mga ligaw na bagay sa baterya, o ilubog o ilantad sa tubig o
iba pang mga likido. Maaari sumabog ang mga baterya kung nasira.
Impormasyon sa produkto at kaligtasan 135
Gamitin ang baterya at charger para sa kanilang mga sinasadyang layunin lamang. Maling paggamit, o paggamit ng hindi
naaprubahang mga baterya o mga hindi kabagay na charger ay maaaring magdulot ng peligro ng sunog, pagsabog, o ibang
panganib, at maaaring mapawalang-bisa ang anumang pag-aproba o garantiya. Kung naniwala kang napinsala ang baterya o
charger, dalhin ito sa service center para mainspeksyon bago ipagpatuloy ang paggamit dito. Huwag kailanman gagamit ng
napinsalang baterya o charger. Gamitin lamang ang charger sa loob ng mga gusali.