Nokia 600 - Impormasyon ng baterya at charger

background image

Impormasyon ng baterya at charger
Inilaan ang iyong aparato para gamitin sa isang naire-recharge na baterya na BL-4J. Maaaring gumawa ang Nokia ng

karagdagang mga modelo ng baterya na magagamit sa aparatong ito. Palaging gumamit ng mga orihinal na baterya ng Nokia.

Ang aparatong ito ay inilaang gamitin kapag natustusan ng kuryente mula sa mga sumusunod na charger: AC-15. Maaaring

mag-iba-iba ang eksaktong numero ng modelo ng charger ng Nokia depende sa uri ng plug, na kinikilala ayon sa E, X, AR, U, A,

C, K, o B.

Ang baterya ay maaaring makargahan at diskargahan nang daan-daang beses, ngunit ito rin ay masisira sa paglaon. Kapag

ang mga oras ng pakikipag-usap at standby ay kapansin-pansing mas maikli sa karaniwan, palitan ang baterya.

Mahalaga: Mga pagtatanya lamang ang mga oras ng pakikipag-usap at standby. Naaapektuhan ang mga aktuwal na oras

sa pamamagitan ng, bilang halimbawa, mga kalagayan ng network, mga setting ng aparato, ginagamit na mga tampok,

kalagayan ng baterya at temperatura.