Protektahan ang iyong aparato mula sa mapaminsalang nilalaman
Maaaring malantad ang iyong aparato sa mga virus at ibang mapaminsalang nilalaman. Gamitin ang mga sumusunod na pag-
iingat:
•
Maging maingat kapag nagbubukas ng mga mensahe. Maaaring maglalaman ng nakahahamak na software o kung hindi
man ay makapipinsala sa iyong aparato o computer.
•
Mag-ingat kapag tumatanggap ng mga hiling na pagkakakonekta, pag-browse sa internet, o pag-download ng nilalaman.
Huwag tanggapin ang mga koneksyong Bluetooth mula sa mga pagkukunan na hindi mo pinagkakatiwalaan.
•
I-install at gamitin lamang ang mga serbisyo at software mula sa mga pinagkukunan na pinagkakatiwalaan mo at nag-
hahandog ng sapat na seguridad at proteksyon.
•
Mag-install ng antivirus at ng ibang software ng seguridad sa iyong aparato at anumang nakakonektang computer.
Gumamit lamang ng isang application ng antivirus nang minsan. Ang paggamit ng marami ay maaaring makaapekto sa
pagganap at pagpapatakbo ng aparato at/o computer.
•
Kung nakapag-access ka ng mga naka-preinstall na bookmark at mga link sa mga internet site ng ikatlong partido, gawin
ang mga naaangkop na pag-iingat. Hindi nag-eendorso o umaako ng pananagutan ang Nokia para sa mga naturang site.