Mga nakalagay na aparatong pang-medikal
Inirerekumenda ng mga gumagawa ng mga aparatong medikal ang 15.3 sentimetro (6 na pulgada) na pinakamaikling
pagkakalayo sa pagitan ng aparato at ng naka-implant na aparatong medikal, tulad ng isang pacemaker o naka-implant na
cardioverter defibrillator, upang maiwasan ang potensyal na pagkagambala sa aparatong medikal. Ang mga taong may
ganoong mga aparato ay dapat:
•
Palaging ilayo ang aparatong wireless nang higit sa 15.3 sentimetro (6 na pulgada) mula sa aparatong medikal.
•
Huwag ilagay ang aparatong wireless sa isang bulsa sa dibdib.
•
Hawakan ang aparatong wireless sa tainga pasalungat sa aparatong medikal.
136 Impormasyon sa produkto at kaligtasan
•
I-turn off ang aparatong wireless kung may anumang kadahilanan upang maghinala na nagaganap ang ang
pagkagambala.
•
Sundin ang mga direksyon ng gumagawa para sa naka-implant na aparatong medikal.
Kung mayroong kang anumang mga katanungan tungkol sa paggamit ng iyong aparatong wireless sa isang naitanim na
aparatong pang-medikal, kumunsulta sa iyong health care provider.