Kapaligiran sa pagpapatakbo
Natutugunan ng aparatong ito ang mga alituntunin sa pagkakalantad sa frequency ng radyo sa normal na posisyon ng paggamit
sa tainga o kahit 1.5 sentimetro (5/8 pulgada) ang layo mula sa katawan. Hindi dapat nagtataglay ng metal ang anumang carry
case,belt clip, o panghawak para sa pagpapaandar na isinusuot sa katawan at dapat iposisyon ang aparato sa naisaad sa itaas
na distansya mula sa iyong katawan.
Kinakailangan nang kalidad na koneksyon sa network upang makapagpadala ng mga data file o mga mensahe. Maaaring
maantala ang mga data file o mensahe hanggang sa magagamit ang gayong koneksyon. Sundin ang mga tagubilin sa layo ng
pagkakahiwalay hanggang sa makumpleto ang paghahatid.
Impormasyon sa produkto at kaligtasan 137
Ang mga bahagi ng aparato ay magnetic. Ang mga metal na materiyales ay maaaring mahatak sa aparato. Huwag ilagay ang
mga credit card o ibang media na magnetikong imbakan na malapit sa aparato, dahil maaaring mabura ang impormasyon na
nakaimbak sa mga ito.