![background image](https://i.helpdoc.net/Nokia 600/tl/Nokia 600_tl138.png)
Impormasyon Sa Sertipikasyon (SAR)
Nakatutugon sa mga alituntunin para sa pagkakalantad sa mga radio wave ang aparatong mobile na ito.
Ang iyong aparatong mobile ay isang transmitter at tagatanggap. Dinisenyo ito upang hindi lumagpas sa mga limitasyon para
sa pagkakalantad sa radio waves na inirerekuminda ng pandaigdigang mga alituntunin. Ang mga alituntunin na ito ay binuo
ng malayang siyentipikong samahan ng ICNIRP at kasama ang mga palugit pang-kaligtasan na dinisenyo upang siguruhin ang
proteksyon ng lahat ng mga tao, walang pagtatangi sa edad at kalusugan.
Gumagamit ang mga alituntunin para sa mga aparatong mobile ng isang yunit ng sukat na kilala bilang Specific Absorption
Rate o SAR. Ang limitasyon ng SAR na nakasaad sa mga alituntunin ng ICNIRP ay 2.0 watt/kilogram (W/kg) na katamtamang
higit sa 10 gram ng tissue. Isinasagawa ang mga pagsusulit para sa SAR gamit ang mga posisyon sa pamantayang pagpapatakbo
habang nagpapahatid ang aparato, sa pinakamataas na napatunayang antas ng lakas nito, sa lahat ng mga nasubukang mga
frequency band. Ang aktwal na antas ng SAR ng isang aparatong umaandar ay maaaring mas mababa sa pinakamataas na
halaga sapagkat ang aparato ay idinesenyo upang magamit lamang ang kinakailangang lakas upang maabot ang network.
Ang halaga ay nagbabago depende sa ilang mga kadahilanan tulad ng kung gaano ka kalapit sa isang baseng istasyon ng
network.
Ang pinakamataas na value ng SAR sa ilalim ng mga alituntunin ng ICNIRP para sa paggamit ng aparato na malapit sa tainga
ay 1.07 W/kg .
Maaaring magresulta sa ibat-ibang halaga ng SAR ang paggamit ng mga accesory ng aparato. Maaaring mag-iba-iba ang mga
value ng SAR depende sa pambansang pag-uulat at mga kinakailangang pagsusuri at ang network band. Ang karagdagang
impormasyon ng SAR ay maaaring ilaan sa ilalim ng impormasyon ng produkto sa www.nokia.com.
138 Impormasyon sa produkto at kaligtasan