Gumawa ng tawag na emergency
1
Siguruhing naka-on ang aparato.
2
Suriin para sa sapat na lakas ng signal. Maaaring kailangan mo rin gawin ang sumusunod:
•
Magpasok ng SIM card.
•
Deaktibahin ang mga pagbabawal sa tawag na iyong inaktiba para sa iyong aparato, tulad ng paghahadlang ng
tawag, naka-fix na pag-dial, o nakasarang grupo ng gumagamit.
•
Siguruhin na hindi nakaaktiba ang profile na offline o flight.
•
Kung naka-lock ang screen at mga key ng aparato, i-unlock ang mga ito.
3
Pindutin nang paulit-ulit ang end key, hanggang sa i-display ang home screen.
4
Upang buksan ang dialler, piliin ang
.
5
Ipasok ang opisyal na numero na pang-emergency para sa iyong kasalukuyang kinalalagyan. Nag-iiba ang mga numero
ng pang-emergancy ayon sa lokasyon.
6
Pindutin ang pindutan ng tawag.
7
Ibigay ang kinakailangang impormasyon nang kasing-wasto hangga't maaari. Huwag tapusin ang tawag hanggang hindi
pa nagbibigay ng permiso na gawin ito.
Mahalaga: Aktibahin ang parehong cellular at mga tawag na internet, kung sinusuportahan ng iyong aparato ang mga
tawag na internet. Maaaring tangkain ng aparato na gumawa ng mga tawag na emergency sa pamamagitan ng parehong mga
cellular netwrok at sa pamamagitan ng iyong service provider ng internet na tawag. Ang mga koneksyon sa lahat ng mga
kondisyon ay hindi masisiguro. Huwag kailanman umasa lamang sa anumang wireless na aparato para sa mga mahalagang
pag-uusap tulad ng mga emergency na pang-medikal.