I-install ang Nokia Ovi Suite sa iyong computer
Sa pamamagitan ng application na Nokia Ovi Suite PC, maaari mong pangasiwaan ang
nilalaman sa iyong telepono, at panatilihin itong magkasabay sa iyong kabagay na
computer. Maaari mo rin i-update ang iyong telepono sa pinakabagong software, at
mag-download ng mga mapa.
Maaaring kailangan ang koneksyon sa internet. Para sa impormasyon tungkol sa mga
bayad sa data, kontakin ang iyong service provider.
I-download ang pinakabagong bersyon ng Nokia Ovi Suite mula sa www.nokia.com/
software sa iyong computer.
I-install ang Nokia Ovi Suite gamit ang iyong telepono
1 Gumamit ng kabagay na USB data cable upang ikonekta ang iyong telepono sa iyong
computer.
Kung gumagamit ka ng Windows XP o Windows Vista sa iyong computer, itakda
ang mode ng USB ng iyong telepono sa Panlahat imb.. Upang itakda ang mode ng
18 I-install ang Nokia Ovi Suite sa iyong computer
USB sa iyong telepono, mag-swipe pababa sa bahagi ng abiso, at piliin ang
>
Panlahat imb.
.
Ipinapakita rin ang mga mass memory at memory card ng iyong telepono bilang
mga naiaalis na disk sa iyong PC.
2 Sa iyong computer, piliin ang Buksan ang folder upang tingnan ang mga file, at
i-double-click ang file na pang-install ng Nokia Ovi Suite.
Kung nagbubukas nang awtomatiko ang window ng pag-i-install, piliin ang I-
install ang Nokia Ovi Suite.
3 Sundin ang naka-display na mga pagtuturo.
4 Kapag nakumpleto na ang pag-i-install, kung gumagamit ka ng Windows XP o
Windows Vista sa iyong computer, siguruhin na ang mode ng USB ng iyong aparato
ay Nokia Ovi Suite.
I-install ang Nokia Ovi Suite sa iyong computer 19
Upang malaman ang higit pa tungkol sa Nokia Ovi Suite, at upang alamin kung aling
mga operating system ang gumagana sa Nokia Ovi Suite, pumunta sa www.nokia.com/
support.