Copyright at iba pang mga paunawa
PAHAYAG NG PAGSUNOD
Sa pamamagitan nito, idinideklara ng NOKIA CORPORATION na ang produktong RM-701 na ito ay sumusunod sa mahahalagang
kinakailangan at ibang kaugnay na mga probisyon ng Directive 1999/5/EC. Matatagpuan ang isang kopya ng Deklarasyon ng
Pagkakaayon sa http://www.nokia.com/phones/declaration_of_conformity/.
© 2011 Nokia. Nakareserba ang lahat ng karapatan.
Nokia, Nokia Connecting People, logo ng Nokia Original Accessories, at Ovi ay mga tatak-pangkalakal o mga rehistradong tatak-
pangkalakal ng Nokia Corporation. Ang Nokia tune ay tatak na tunog ng Nokia Corporation. Ang ibang mga pangalan ng
produkto at kompanya na nabanggit dito ay maaaring mga tatak-pangkalakal ng kani-kanilang may-ari.
Ang pagkopya, paglipat, pamamahagi, o pag-iimbak ng bahagi o lahat ng nilalaman sa dokumentong ito sa anumang anyo
nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Nokia ay ipinagbabawal. Ang Nokia ay nagpapatakbo sa patakaran na tuluy-
tuloy na pagpapaunlad. Nilalaan ng Nokia ang karapatan na gumawa ng mga pagbabago at pagpapabuti sa alinman sa mga
produktong naisalarawan sa dokumentong ito nang walang paunang abiso.
Ang Oracle at Java ay mga rehistradong tatak-pangkalakal ng Oracle at/o ng mga kasapi nito.
Ang produktong ito ay lisensiyado sa ilalim ng MPEG-4 Visual Patent Portfolio License (i) para sa personal at hindi
pangkomersiyong paggamit na may kaugnayan sa impormasyon na na-encode bilang pagtalima sa MPEG-4 Visual Standard ng
isang mamimili na abala sa isang personal at hindi pangkomersiyong aktibidad at (ii) para sa paggamit na may kaugnayan sa
MPEG-4 video na ibinigay ng isang lisensiyadong video provider. Walang lisensiya ang igagawad o ipapahiwatig para sa
anumang ibang paggamit. Maaaring makuha ang karagdagang impormasyon, kabilang ang nauugnay sa mga paggamit sa
promosyonal, internal, at komersyo mula sa MPEG LA, LLC. Tingnan ang http://www.mpegla.com.
Hanggang sa pinakamalawak na hangganang pinahihintulutan ng naaangkop na batas, hindi sa anumang pagkakataon
mananagot ang Nokia o sinumang mga tagapaglisensya nito sa anumang pagkawala ng data o kita o anumang espesyal,
nagkataon, kinahinatnan o mga hindi direktang pinsala gaano man ang naidulot.
Ipinagkakaloob nang “as is" ang mga nilalaman ng dokumentong ito. Maliban kung kakailanganin ng naaangkop na batas,
walang garantiya ng anumang uri, inihayag man o ipinahiwatig, kabilang ngunit hindi limitado sa, mga ipinahiwatig na
garantiya ng pagkanabebenta at kaangkupan para sa partikular na layunin, ay ginawa na may kaugnayan sa katumpakan,
pagkamaaasahan o mga nilalaman ng dokumentong ito. Nirereserba ng Nokia ang karapatan na baguhin ang dokumentong
ito o bawiin ito sa anumang oras nang walang paunang abiso.
Ang pag-aanalisa.ng anumang software sa aparatong Nokia ay ipinagbabawal sa hagganang pinapahintulutan ng naaangkop
na batas. Hanggang naglalaman ang patnubay sa gumagamit na ito ng anumang mga limitasyon sa mga representasyon,
garantiya, pinsala at pananagutan ng Nokia, ang gayong mga limitasyon ay lilimitahin din ang mga representasyon, garantiya,
pinsala at pananagutan ng mga tagapaglisensya ng Nokia.
Maaaring mag-iba ang pagkakaroon ng mga produkto, tampok, application at mga serbisyo ayon sa rehiyon. Para sa higit na
impormasyon, kontakin ang iyong Nokia dealer o ang iyong service provider. Maaaring maglaman ang aparatong ito ng mga
Copyright at iba pang mga paunawa 139
kalakal, teknolohiya o software na sasailalim sa mga batas at regulasyon sa pagluwas sa US at iba pang mga bansa.
Ipinagbabawal ang dibersyong laban sa batas.
Hindi nagbibigay ang Nokia ng garantiya o umaako ng anumang responsibilidad para sa pagka-umaandar, nilalaman, o suporta
sa end-user ng mga application ng ikatlong-partido na ibinigay kasama ng iyong aparato. Sa paggamit ng application, kinilala
mo na ibinibigay nang as is ang application. Hindi gumagawa ng anumang mga representasyon ang Nokia, nagbibigay ng
garantiya, o umaako ng anumang responsibilidad para sa pagka-umaandar, nilalaman, o suporta sa end-user ng mga
application ng ikatlong-partido na ibinigay kasama ng iyong aparato.
PAUNAWA MULA SA FCC/INDUSTRY CANADA
Ang iyong aparato ay maaaring magsanhi ng pagkagambala sa TV o radyo (halimbawa, kapag gumagamit ng isang telepono
na malapit sa tumatanggap na kagamitan). Ang FCC o Industry Canada ay maaaring kailanganin mong tumigil sa paggamit sa
iyong telepono kung ang mga katulad na paggambala ay hindi matatanggal. Kung nangangailangan ka ng tulong, kontakin
ang iyong lokal na pasilidad sa serbisyo. Sumusunod ang aparatong ito sa bahagi 15 ng mga tuntunin ng FCC at (mga)
pamantayan ng Industry Canada licence-exempt RSS. Ang pagpapagana ay sumasailalim sa sumusunod na dalawang kundisyon:
(1)Ang aparatong ito ay hindi maaaring maging sanhi ng nakapipinsalang pagkagambala, at (2) ang aparatong ito ay dapat
tumanggap ng anumang pagkagambalang nasasagap, kabilang ang pagkagambala na maaaring maging sanhi ng hindi
ninanais na pagpapagana. Ang anumang mga pagpapalit o pagbabago na hindi hayagang naaprobahan ng Nokia ay maaaring
mapawalang bisa ang kapangyarihan ng gumagamit na paganahin ang kagamitang ito.
Ang ilang mga pagpapatakbo at tampok ay nakasalalay sa SIM card at/o network, nakasalalay sa MMS, o nakasalalay sa
pagkanababagay ng mga aparato at ng suportadong mga format ng nilalaman. Ang ilang mga serbisyo ay sasailalim sa
magkahiwalay na singil.
/Isyu 1.0 TL
140 Copyright at iba pang mga paunawa