Tumingin ng mga larawan at video sa isang TV
Maaari kang tumingin ng mga larawan at video sa isang kabagay na TV, ginagawa itong
mas madali para sa iyo na ipakita ang mga ito sa iyong pamilya at mga kaibigan.
Kailangan mong gumamit ng Nokia Video Connectivity Cable (magkahiwalay na
mabibili), at maaaring kailanganing baguhin ang mga setting ng TV-out at aspect ratio.
Upang baguhin ang mga setting ng TV-out, piliin ang >
Mga setting
at
Telepono
>
Accessories
>
TV-Out
.
1 Magkabit ng Nokia Video Connectivity Cable sa video input ng isang kabagay na TV.
Dapat tumugma ang kulay ng mga plug sa kulay ng mga saksakan.
2 Ikabit ang kabilang dulo ng Nokia Video Connectivity Cable sa Kabitan ng Nokia AV
ng iyong telepono. Maaari mong piliin ang
TV-out cable
bilang mode ng USB.
3 I-browse ang file na gusto mong tingnan.
Huwag magkonekta ng mga produktong naglalabas ng signal, dahil maaaring masira
nito ang aparato. Huwag magkabit ng anumang mapagkukunan ng kuryente sa Nokia
AV connector. Kapag nagkabit ka ng anumang panlabas na aparato o headset, bukod
pa sa mga naaprubahan ng Nokia para sa paggamit sa aparatong ito, sa Nokia AV
connector, bigyan ng espesyal na atensyon ang mga lakas ng volume.