Kopyahin ang iyong mga larawan o video sa pagitan ng iyong telepono at
computer
Kumuha ka ba ng mga larawan o nakapagrekord ng mga video gamit ang iyong
telepono na gusto mong panoorin sa iyong computer? O gusto mong kopyahin ang
iyong mga larawan o video mula sa iyong telepono papunta sa iyong computer?
Gumamit ng kabagay na USB data cable upang kopyahin ang iyong mga larawan at
video sa pagitan ng iyong telepono at ng isang kabagay na computer.
1 Gumamit ng kabagay na USB data cable upang ikonekta ang iyong telepono sa isang
kabagay na computer.
Ang iyong mga larawan at video 81
Kung kumokopya sa pagitan ng memory card sa iyong telepono at ng computer,
siguruhing nakalagay ang memory card.
2 Magbukas ng Nokia Ovi Suite sa iyong computer, at sundin ang mga idini-display
na pagtuturo.
Kung gagamit ka ng file manager upang manu-manong kopyahin ang mga larawan o
video sa memory ng iyong telepono, upang tingnan ang mga iyon sa application na
Gallery, kopyahin ang mga larawan sa folder ng Mga imahe at mga video sa folder ng
Mga video.